Thursday, September 15, 2011

Kili-kili

   Naku, mukhang nangangailangan ang aking ikalawang nagtatanong. Siya si Shirley ng Tondo.

Question: Maitim ang kili-kili ko, wala akong pambili ng ano mang pampaputing sabon o kahit anung pampahid. Kahit calamansi ay walang ubra sa kili-kili ko. Anong gagawin ko? Hindi ako makapag sleeveless! May solusyon pa ba?


Answer: Naku Iha, malala nga ang problema na bumabagabag sa iyo. Napakabagsik ng balat mo, hindi umubra kahit kalamansi diyan sa kilikili mo. Mayroon akong dalawang kasagutan diyan.

1. Kailangan mong sugatin ang buo mong kili-kili. Pwede mo kaskasin ng cutter o blade. O kaya naman ay pwede kang magpahid ng muriatic acid. gumamit ka ng bulak. Mahapdi at masakit ang istilong ito. Pero may kasabihan nga, No Pain No Gain!

2. Magbilad ka sa araw ng hubot hubad. Tiyakin na masusunog ka na kasingkulay ng kili-kili mo. Tiyak ang kaitiman mo hindi mo na poproblemahin. May kasabihan nga "Black is Beautiful"

  Ito lang ang maisasagot ko sa iyo dahil wala ka namang pera na pampunta kay Belo.Sana ay nakatulong ako sa maselan mong kalagayan!

Unang Tanong

Mukhang pinepersonal akong ng unang nagtanong sakin ah. Siya ay isang anonymous somewhere from Pasay.

Question: Paano mo natitiis yang mukha mong kulay tae at yang nguso mong parang tocino?


Answer: Put@*&^%^ mo! Kung makatanong ka naman akala mo nakita mo na ako sa personal! Huwag ganun tsong! Pero para sa ikaliligaya mo, sasagutin ko ang katanungan na iyan! Kulay tae man ang balat ko, dahil ito sa kadahilanang tatlong beses lang ako naliligo sa isang linggo. Nasasamahan pa ng mga tigidig sa mukha ko. Ang ga-tocino kong labi naman ay namana ko sa aking lola. Maswerte pa nga ako niyan. Ang nanay ko ga-platito ang kaliwang tenga pero ga-kutsara lang ang kanan.

I hope nasagot ko ng maayos at naligayahan ka sa iyong katanungan. Hanggang sa muli at Magandang Gabi!

Huwag nang Mahiya!

Mayroon bang bumabagabag sa iyong isipan? Mga tanong na hindi mo masagot?

   Fact o hindi, masasagot yan ng nguso ni Ipe!

 Magemail sa ngusoniipe@gmail.com

Walang tanong na hindi masasagot, lalo na ng nguso kong kangkarot!